Hindi ikinahiya ni "The Voice Kids" Season 1 Grand Winner Lyca Gairanod ang pagsasagawa ng "dumpster diving" sa paghahagilap ng mga bagay na itinapon o itinuturing na basura na subalit mapakikinabangan pa, habang siya ay nasa Amerika.

Makikita sa Facebook post ni Lyca ang pagpasok nila ng kaniyang kasama sa loob ng isang dumpster truck upang maghagilap ng mga bagay na patapon na sa turing ng iba, subalit puwede pang pakinabangan sa Pilipinas.

Hindi ikinahihiya ni Lyca na sanay siya sa ganoong gawain, dahil paslit pa lamang siya ay marunong na siyang mangalakal, bago pa man siya sumikat bilang mang-aawit sa Pilipinas.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pinuri naman ng mga netizen ang kasimplehan ni Lyca, na hindi pa rin daw nakalilimot sa kaniyang kinamulatan, kahit kumikita na siya at kilala sa bansa.

"Very simple lady na walang arte sa katawan."

"Good job Lyca wala ka talagang kaarte-arte sa katawan. Kaya idol kita eh."

"Wala talagang arte 'tong si Lyca, iba talaga kapag ang bata ay galing sa hirap kasi paglaki maalala niya na ah dati diyan din naman ako galing so I'm so proud sa'yo Lyca sana anak ko maging katulad mo..."

"Sana di lang magbago at lumaki ang ulo mo, proud ako sa'yo Lyca walang arte sa paghawak ng mga basura."