Cauayan City, Isabela — Nalunod ang tatlong menor de edad matapos maligo sa isang ginagawang fish pond sa Brgy. Tagaran sa lungsod na ito, Biyernes, Hulyo 21. 

Kinilala ng Police Regional Office 2 ang mga nasawing magpipinsan na sina Danica Palma Padua, 8; Angie Palma Padua, 14; at Shaina Callorina Padua, 12; na pawang mga residente ng CMP Padilla dito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Lumalabas sa imbestigasyon habang naliligo ang magpipinsan, narating umano ng mga ito ang malalim na parte ng fish pond na naging dahilan ng kanilang pagkalunod.

Agad namang isinugod sa ospital ang tatlong menor de edad ngunit idineklarang dead on arrival.