Tatlong beses nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagpapakawala ng abo ng bulkan ay tumagal ng hanggang 25 segundo.

Naitala rin ang 90 pagyanig, 169 rockfall events at tatlong pyroclastic density events (PDC).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Umabot din sa 2.8 kilometro ang naapektuhan ng pagragasa ng lava sa Mi-isi Gully. Dumaloy din ang lava sa Bonga Gully at umabot ito sa 2.4 kilometro.

Nagbuga ng 2,622 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Hulyo 19.

Naobserbahan din ang 1,200 metrong taas ng usok na mula sa bunganga ng bulkan at tinangay ng hangin pa-timog kanluran.

Nananatili pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan kung saan ipinagbabawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) nito.