Nasa 50 mahihirap na pamilya na taga-Tondo, Maynila ang unang makatitikim ng ₱3,000 kada buwan sa paglulunsad ng pamahalaan sa programa nitong "Walang Gutom 2027" sa Hulyo 18.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa pahayag Presidential Communications Office (PCO), ang bawat pamilyang benepisyaryo ay makatatanggap ng electronic benefit card na kargado ng food credits at ito ay maaaring ibili sa mga accredited retailer, katulad ng katulad ng Kadiwa store, grocery at supermarket.

Ipinaliwanag naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, pag-aaralan nila kung epektibo ang programa sa paglulunsad nito sa Martes.

“After six months ng takbo ng programa, ng pilot, titingnan natin iyong resulta. Kung maganda iyong resulta, then we scale up, where it will be initially 300,000 na pamilya and then another 300,000 the year after hanggang sa maabot natin iyong isang milyong Pilipinong pamilya na food poor kung tawagin," sabi ni Gatchalian.

Ang programa ay inaasahang pakikinabangan ng aabot sa isang milyong pamilyang mahihirap.

“Ang layunin nito is to empower ang ating mahihirap na kababayan – ang mga food poor nating mga mamamayan na makapili nang tama na naaayon sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya," sabi pa ng opisyal.

Raymund Antonio