Muling nagbabalik sa ABS-CBN ang batikang newscaster na si Korina Sanchez-Roxas para sa kaniyang news magazine show na "Rated Korina."

Pumirma ng kontrata si Korina sa kaniyang home network ng napakaraming taon, para sa co-production at partnership ng nabanggit na programa.

Matatandaang noong 2020 ay kasama si Korina sa ilang mga sikat na Kapamilya personalities na nagbitiw rito, dulot na rin ng epekto ng pandemya at pagkawala ng prangkisa nito.

Ilang buwan lamang, muling naging aktibo sa telebisyon si Korina at nabuo ang "Rated Korina" na co-production ng Brightlight Productions ni Cong. Albee Benitez.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"And, just like that, Im baaaack," ani Korina sa kaniyang appreciation post na makikita sa kaniyang Instagram account.

"Well, I never really left. Rated Korina had always aired still on the ABSCBN platforms the past years, thanks to Brightlight Productions and Mr. Albee Benitez."

Nilinaw ni Korina na nagbabalik siya bilang partner ng Kapamilya Network sa produksyon ng RK.

"Now, as a balikbayan, I come in as a partner with my ABSCBN family who I grew up with via the co-production of Rated Korina. The baby is now a lady, hahaha!"

Pinasalamatan ni Korina ang ABS-CBN executives na dumalo sa kanilang contract signing.

"Heartwarming, sincere hugs from my family here: Chairman Mark Lopez, Pres & CEO Carlo Katigbak and COO and Broadcast Head Cory Vidanes and OIC of Finance Group Vincent Paul Piedad. THANK YOU."

"You can take the girl out of ABSCBN. But you can't take that ABSCBN training out of the girl. And this is the experience I hopefully bring to my other broadcast homes and make a contribution as best I can, while I can, in whatever ways made possible to me."

"The 'welcome back home' is still in my ear, and my heart," ani Korina.

Bukod sa Rated Korina, may "TikTalks" din siya sa TV5 kasama sina Kakai Bautista, Pat-P Daza, Alex Calleja, at G3 San Diego.

"May 'Korina Interviews" naman siya na umeere sa NET25.