Mula sa “It’s more fun in the Philippines,” inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang bagong tourism slogan ng bansa na “Love the Philippines” nitong Martes, Hunyo 27.

Ang paglulunsad ng “Love the Philippines” campaign ang nagsilbing highlight ng naging pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng DOT sa Manila Hotel na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang bagong tourism slogan na "Love the Philippines" tourism slogan bilang isang innovative brand enhancement na naglalayon umanong mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagtataguyod at pagpapakita ng kagandahan, kayamanan ng kultura, at iba pang handog sa turismo ng bansa.

“Love the Philippines goes to the very heart of every single Filipino with the distinct grace and hospitality with which we welcome every guest that comes into our shores, our communities, and our homes. Love the Philippines is a recognition of our natural assets, our long and storied history, our rich culture and diversity,” ani Frasco.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi rin ni Frasco na ang Pilipinas ay higit pa sa “fun” at “adventure.”

“There is so much more to the Philppines than the fun and adventure that we have so far articulated to the world for the Philippines is a powerhouse of mega biodiversity being only one of the 18 mega diverse countries in the world,” saad niya.

Pinalitan ng naturang bagong tourism slogan ang “It's More Fun in the Philppines” slogan ng DOT na inilunsad noong 2012.

Bago ito, taong 2002 nang ilunsad ng DOT ang "Wow Philippines.”