Tuluyan nang nakalabas ng bansa ang bagyong Chedeng nitong Linggo ng gabi.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng gabi, kahit nasa labas na ng Pilipinas, napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito.

Binanggit ng PAGASA, huling nakita ang sentro ng bagyo 1,375 kilometro silangan ng hilagang silangan ng dulong northern Luzon o nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR). Kumikilos pa rin ito sa bilis na 35 kilometers per hour (kph).

Nasa 110 kph pa rin ang lakas ng hangin nito malapit sa gitna at bugso na hanggang 135 kph.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa Lunes ng umaga, inaasahang nasa 1,695 kilometro silangan ng hilagang silangan ng dulong northern Luzon ang bagyo o nasa labas ng PAR.