Bagaman single ngayon si Alden Richards, nakikita naman ng 31-anyos na Kapuso actor ang sarili na lumagay na sa tahimik sa mga susunod na taon.

Ito ang isa sa mga ibinahagi ng tinaguriang “Asia’s Multimedia Star” sa panayam ng talent manager na si Ogie Diaz sa Youtube.

“Dapat by 35 [years old], kasal na ‘ko. 'Yun po ang sinabi ko sa sarili ko,” sey ni Alden bagaman aminadong walang buhay pag-ibig sa ngayon.

Dagdag na pag-amin ni Alden, hindi rin umano nag-work out ang dating mga relasyon dahil “hinanap” at “ginusto” niya ang mga ito.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“Parang for some reason, one way or another, nagkakaroon ng casualty,” pagpapatuloy ni Alden.

“One way or another, merong nagiging issue.”

Matatandaan ang pinag-usapang pag-amin ng aktor noong Enero kaugnay ng sinubukang sparks nila ng kapwa Kapuso star na si Julie Anne San Jose noon.

Basahin: ‘It was my fault’: Alden Richards, inaming nakamabutihan, nasaktan noon si Julie Anne San Jose – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nabanggit dinni Alden ang nakaraan nila ng ngayo’y certified celebrity mom na si Wynwin Marquez.

Sa kabila ng hindi naman matagumpay na buhay-pag-ibig, looking forward pa rin ang aktor na magkaroon ng sarili at buong pamilya sa hinaharap.

“'Yung mga babies po, 'yan ang gustong-gusto ko magkaroon talaga,” aniya.

“Gusto ko po may asawa. Mahirap po 'yung single parent. At tsaka ayoko po i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang 'yung kilala. Gusto ko buo 'yung family,” pagtatapos niya.

Matutupad kaya ang plano ng aktor apat na taon mula ngayon? For sure, ‘yan ang aabangan ng fans!