Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan -- Pinasinayaan ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kauna-unahang Regional Public Information Office (RPIO) nitong Biyernes, Mayo 12.

Kauna-unahan ang broadcast hub na ito sa lahat ng offices at units ng PNP sa buong bansa na naglalayong maipakalat ang tama at napapanahong impormasyon sa mga manonood.

Ang inagurasyon ay pinangunahan niPolice Major General (PMGEN) Ronaldo E. Olay, Director ng Logistics and dating Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office.

Ang RPIO broadcast hub ay itinayo alinsunod sa facility development program ng PNP ng pinondohan sa ilalim ng expenditure program ng PNP na nagkakahalaga ng P955,313.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol