Sumuko sa awtoridad ang dalawang dating rebelde sa Angeles City at Zambales nitong Martes, Mayo 9.

Kinilala ang dating miyembro ng CPP-NPA na si "Ka Baby" na boluntaryong sumuko sa Camp Tomas J. Pepito, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City.

Itinurn over niya sa awtoridad ang cal.38 Revolver, 40mm high explosive, at Ammonium Nitrate Fuel Oil (ANFO) na ginagamit bilang pampasabog.

Samantala, sumuko rin ang dating miyembro ng Militia ng Bayan na kinilalang si "Ka Tabag" sa 2nd Provincial Mobile Force Company Zambales Police Provincial Office sa 2nd PMFC, NFA Compound, Brgy. Magsaysay, Castillejos, Zambales.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinuko niya ang cal .38 revolver at 40mm M203 grenade launcher.