Masayang ibinalita ni Kapuso comedienne Rufa Mae Quinto na magbabalik-pelikula na siya makalipas ang 23 taon---at mukhang revival ito ng kaniyang 2001 sexy-comedy movie na "Booba" ng Viva Films.

Makikita sa kaniyang Instagram post noong Huwebes, Abril 20 ang kaniyang sexy photos habang nasa isang dalampasigan sa Waikiki, Hawaii.

"BOOBA is BACK," aniya sa caption.

"Purity, clarity, beauty, sexy, ty."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

May hashtag itong "#movie2023" at "#booba."

"After 23 years, I revive my Booba self into new generation.. new movie 🎥 🔜 abangan…" dagdag pa niya.

Marami naman sa kapwa celebrities at netizens ang na-excite ngayon pa lang sa muling pagbabalik-pelikula ni Rufa Mae, na tiyak na magdudulot na naman ng sakit sa tiyan dahil sa katatawanang hatid nito.

Kamakailan lamang ay naghatid ng katatawanan ang parody ni Rufa Mae sa "Kill Boksoon" na umeere at nasa top list na ngayon ng Netflix.

"To the highest level na ang action! Go go groceries!" aniya.