Usap-usapan ngayon ang latest photos na ibinahagi ni Issa Pressman kung saan magkasama sila ng kaniyang boyfriend na si James Reid.

Makikitang topless si James at nakapatong naman ang mga paa ni Issa sa binti nito.

"school day," tanging caption ni Issa sa Instagram post.

Issa Pressman, may pa-'soft launch' kasama si James Reid; netizens, nanggigil?

Dahil naka-limited ang comment section, walang mababasang "bashing" mula sa detractors ng kanilang relasyon, at puro emoji ng "in love" ang makikita rito.

Matatandaang lumikha ng ingay ang "soft launch" ng relasyon ng dalawa matapos manood sa concert ni Harry Styles kamakailan.