CAMP PRESIDENT QUIRINO, Ilocos Sur – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lider ng New People’s Army (NPA) na wanted sa kasong murder at frustrated murder sa Barangay Macabiag, Sinait, Ilocos Sur noong Linggo, Marso 26.

Ani Col. Marlo A. Castillo, Ilocos Sur police director, kinilala ang komunistang gerilya na sina Casimiro Binayon, alyas “Rigor” at “Peter.”

Si Binayon ay miyembro ng executive committee ng Ilocos-Cordillera Regional Committee at dating kalihim ng nabuwag na Komiteng Larangang Guerrilla Ifugao.

Pinuri ni Major Gen. Andrew D. Costelo, Army 7th Infantry Division commander, ang pag-aresto sa pinuno ng NPA na naging posible sa pamamagitan ng dedikadong pagsisikap ng militar at pulisya sa suporta ng komunidad.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Costelo na paiigtingin nila ang law enforcement support operations kasama ang mga police counterparts para lansagin ang mga natitirang grupo ng NPA para protektahan ang mamamayan.

Freddie Lazaro