Isang lalaking wanted sa kasong pagnanakaw ang inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) noong Biyernes, Marso 17.

Ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD), kinilala ang suspek na si John Angelo Lagartos, 28, na tinaguriang Top 5 most wanted person ng Pasay City Police.

Ayon kay Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya ng lungsod, naaresto si Lagartos dakong 5:10 ng hapon sa Waling Waling St. sa Barangay 192, Pasay City.

Sinabi ni Uy na si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 109 Judge Christian Pascual Castaneda ay naglabas noong Pebrero 19 ng warrant of arrest laban sa suspek para sa krimen ng robbery na may inirekomendang piyansang P100,000.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga miyembro ng WSS laban sa lahat ng mga wanted person sa lungsod, na humantong sa pagkakaaresto kay Lagartos.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Pasay police custodial facility.

Jean Fernando