BALAYAN, Batangas -- Inaresto ng pulisya ang isang trabahador na inakusahan ng rape at act of lasciviousness nitong Miyerkules ng hapon, Marso 8 sa Barangay Caloocan dito.

Naaresto ang 52-anyos na suspek na si Apolinario Pilit, residente ng Barangay Encarnacion dito, sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Pebrero 24, 2021 na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Regional Branch 10 Judge Cristino Judit para sa two counts of rape and two counts of acts of lasciviousness.

Walang inirekomendang piyansa para sa kasong rape. Gayuman, may inirerekomendang piyansang P150,000 para acts of lasciviousness.

Kabilang si Pilit sa most wanted persons sa regional level ng Police Regional Office 4A.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!