Sinimulan na nitong Pebrero 25 ng umaga ang pagdaraos ng special election para sa kinatawan ng 7th District ng Cavite matapos bakantehin ni Jesus Crispin Remulla ang nasabing puwesto kasunod ng pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

SiCommission on Elections (Comelec) chairman George Garcia ay kabilang sa nagtungo Banaba Cerca Integrated School sa Indang, Cavite upang bumoto nitong Sabado ng umaga.

Mahigit sa 300,000 botante ang pipili sa magiging susunod na kongresista ng nasabing distrito, ayon sa Comelec.

Apat na bayan ang sakop ng naturang distrito na kinabibilangan ngIndang, Tanza, Amadeo at City of Trece Martires.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa ilalim ng Republic Act 7166 (Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms), inoobliga nito ang Comelec na magdaos ng special election sakaling magkaroon ng bakanteng puwesto sa Kongreso.