Isang babae ang arestado dahil sa pananaksak at tangkang pagpatay sa kanyang live-in partner sa Brgy. dela Cruz, Antipolo City nitong Sabado ng madaling araw.

Ang suspek na si Melody Malabanan ang itinuturong nanaksak sa biktimang si Rodgie Mike Cipriano, kapwa residente ng Sitio Sepina, Brgy Dela Paz, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng mag-live in partner.

Sa 'di pa batid na kadahilanan ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na nauwi sa mainitang argumento. Dito na umano kumuha ng kutsilyo ang suspek, na tila nakainom, at sinaksak ang biktima sa likod.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Mabilis umanong tumakas ang suspek ngunit naaresto rin ng mga nagpapatrolyang otoridad.

Bigo naman umano ang mga ito na marekober ang kutsilyong ginamit sa krimen.