Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga nagpapanggap na konektado sa ahensya at humihiling sa mga importer na magbayad ng buwis sa pamamagitan ng bank transfer o virtual wallet.

Pagbibigay-diin ng BOC, hindi sila gumagamit ng personal account o remittance center sa pangongolekta ng buwis at iba pang bayarin.

“BOC officials, including the BOC Customer Assistance and Response Services, do not directly communicate with parcel recipients via phone call, text message, or email to inform them or ask them to pay via bank deposit or money transfer for parcels to be released,” paglilinaw ng ahensya.

Ayon sa BOC, isang pekeng liham na may petsang Disyembre 4, 2022 ang natuklasan nilang ipinadala saYannahsher’s Office Supplies, at humihiling na bayaran ang kanilang buwis na₱128,585.45sa pamamagitan ng bangko o GCash upang mai-release ang 35 na laptop.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Binanggit ng BOC na ang nasabing liham ay pirmado umano ng isang Raquel de Jesus ng BOC-Central Records Management Division at ng isang dating commissioner na si Rey Guerrero.

Philippine News Agency