Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes na magpapatupad sila ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes.

Ayon sa pahayag ng MMDA, ipatutupad ang UVVRP mula Lunes hanggang Biyernes ng 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi. Hindi umano kasali rito ang mga holiday.

“Bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours,” anang MMDA.

Ang mga plaka umanong nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 naman tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, habang 9 at 0 tuwing Biyernes.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Hindi naman daw kasali sa nasabing panuntunan ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services, motorsiklo, truck ng basura, marked government vehicle, truck ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.