CAGAYAN -- Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pinas, Claveria nitong Huwebes, Enero 26.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Claveria Police Station ang nasabing operasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruel T. Ilovino, 43, businessman, at Rema Altre,  50, parehong residente of Purok 7, Brgy. Pinas, Claveria, Cagayan. 

Nakumpiska mula sa kanila ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 1 gramo at may estimated market value na P6,800, buy-bust money, dalawang wallet, at limang unit ng cellphone. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 in rel. to Sec 26 par (b) of RA 9165.