Sinuspindi ang klase sa San Francisco High School sa Quezon City matapos bulabugin ng bomb threat nitong Miyerkules ng hapon.

Sa pahayag ng Quezon City Police District-Explosive and OrdnanceDivision, nabalot ng tensyon ang paaralan na nasa Misamis Street, Barangay Bago Bantay, dahil sa iniwang kahina-hinalang bag.

Matapos ang inspeksyon, sinabi ng pulisya na negatibo sa bomba o anumang uri ng pampasabog ang nasabing paaralan.

Kaagad namang pinauwi ang mga estudyante upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Hinigpitan na ang seguridad sa naturang eskuwelahan upang hindi na maulit ang insidente.