Isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Basilan nitong Lunes, Enero 23, dahil sa Pestalotiopsis disease na patuloy na nananalanta sa mga taniman ng goma sa lugar.

Inilabas ang nasabing resolusyon kaninang umaga kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Council na pinangunahan ni Governor Jim S. Salliman.

Ayon kay Provincial Agriculturist Dr. Surhayda Aguisanda, umabot na sa 90% ng rubber areas sa probinsya ang sinalanta ng nasabing peste, habang inaasahang nasa 16,000 rubber tappers ang maaapektuhan nito.

Matatagpuan ang mga naapektuhang puno ng goma sa mga lungsod ng Isabela at Lamitan, at maging sa siyam na munisipalidad ng probinsya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Governor Jim urges every Basileno for cooperation and vigilance as we confront another challenge in our agriculture industry,” pahayag ng lokal na pamahalaan ng Basilan.

Sa pagsusuri at pakikipanayam ng Philippine Rubber Research Institute sa lugar, napag-alamang ang nasabing peste ay namataan noong huling tatlong buwan ng taong 2021. Naranasan naman ang malalang epekto nito noong mga huling buwan ng 2022.