Posible ring magkaroon ng kakulangan sa suplay ng itlog sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ito ang babala ni Senator Risa Hontiveros kasabay ng panawagan nito kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magtalaga na ng bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Aniya, dapat nang gumawa ng hakbang ang DA upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado upang hindi na lumalala ang sitwasyon.

Iginiit ng senador, kailangan na ng publiko ang full time na DA secretary na tututok sa kinakaharap na problema sa agrikultura.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Nagsisilbing kalihim ng DA si Marcos habang wala pang itinatalagangmamumuno sa ahensya.