SABLAN, Benguet – Isang 21 taong-gulang na minero ang nasawi matapos malunod sa Towing Falls sa Poblacion, Sablan, Benguet kaninang hapon, Enero 2.

Kinilala ng Sablan Municipal Police Station ang biktima na si Leoncio Joe Balag-ey Lang-ay, residente ng Sitio Naiba, Tuding, Itogon, Benguet.

Ayon sa Sablan MPS, naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng tanghali at naiulat sa kanila ng alas 12:35 ng hapon at agad na nirespondehan kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire and Protection (BFP).

Sa imbestigasyon, kasama ang dalawang kaibigan na sina Arjay Esnara, 17 at Gerry Basilio Frondarina, 21, nang magtungo si Lang-ay sa water falls para maligo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa kanila, habang sila ay naliligo sa falls ay nakita nilang biglang nag-dive ang biktima sa malalim na bahagi ng falls, subalit lumipas ang ilang minuto ay hindi na ito lumutang pa.

Hindi rin alam ng dalawa na hindi pala marunong lumangoy ang biktima.

Agad na nagsagawa ng search and rescue ang mga civilian volunteers hanggang sa makita ito sa ilalim ng tubig at maiahon. Agad na binigyan ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang biktima sa pagdating ng mga BFP personnel, subalit wala pa rin itog malay.

Isinugod ang biktima sa Benguet General Hospital subalit idineklara itong namatay habang ginagamot ni Dr.Eileen Mae Sagorsor dakong ala-1:56 ng hapon.