Mahigit na sa tatlong milyong subscriber identity module (SIM) card ang nairehistro mula nang ipatupad ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Card Registration Act.

Ito ang kinumpirma ngNational Telecommunications Commission (NTC) nitong Huwebes at sinabing kabilang sa datos ang530,424 na nairehistrosa DITO Telecommunity Corp.; 1,769,374 sa Globe Telecom Inc.; at 1,019,207 sa Smart Communications, Incorporated.

Sinimulan ang implementasyon ng SIM card registration nitong December 27 kung saan iniuutos ng batas sa lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na magtalaga ng sariling registration platform kung saan itatala nila ang mga SIM card users.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Bibigyan ng 180 araw ang mga SIM card owner upang makapagpatalao magpa-deactivate.