Isang babae ang patay nang gahasain at pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Cainta, Rizal nitong Lunes, Disyembre 5.

Ang biktima ay nakilalang si Cristine Avila habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Khalid M. Sarip.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-6:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa tinutuluyang silid ng kaibigan ng biktima na si Kayla Mae Cantre, na matatagpuan sa Don Mariano Subd., Brgy. San Juan, Cainta, Rizal. 

Lumilitaw na bago ang krimen ay nasa bahay ni Cantre ang biktima nang dumating ang suspek, na kagagaling lamang umano sa trabaho.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Niyaya umano ng suspek ang magkaibigan na makipag-inuman at pumayag naman ang mga ito.

Maya-maya ay kinailangan umano ni Cantre na lumabas ng bahay dahil may gagawin ito.

Sinamantala naman umano ng suspek ang pagkakataon at isinagawa ang panghahalay at pagpatay sa biktima, saka mabilis na tumakas.

Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek upang papanagutin sa krimen.

Umaapela rin naman ang pamilya ng biktima ng katarungan para sa kanilang pinaslang na kaanak.