Dalawang taon mula ngayon, mapakikinggan maging sa labas ng planet Earth ang tatlong kanta ng BTS sa tulong ng isang proyekto ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Babalikan ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Apollo 11 noong 2019. Dito, ibinunyag ng NASA ang ilulunsad na proyektong #NASAMoonTunes bilang pag-alala sa unang spaceflight na naghatid sa sangkatauhan sa buwan.

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, patutugtugin ang playlist na napili ng organisasyon sa anim na araw na muling paglalakbay ng mga siyentista mula Earth hanggang sa buwan.

Matapos magbukas ng online submission noong Hunyo 2019, ang South Korean band na BTS ang unang umagaw ng atensyon ng NASA dahilan para mapili ang tatlong kanta nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang sa mga opisyal na kantang mapakikinggan via Third Rock Radio ang kantang “Moonchild” ng lider na si RM at ang mga kanta ng grupo na “Mikrosmos,” at “134340.”

Ang tatlong piyesa ay pare-parehong tumatalakay sa ilang celestial bodies habang iniugnay ang mga ito sa buhay ng tao.

Ang "134340" ang dating asteroid number na itinalaga sa Pluto noong isa pa itong planeta.

https://twitter.com/NASA_Johnson/status/1135998762558545920?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1135998762558545920%7Ctwgr%5E68a8fdc321473ea5eb84cf15761752be80bd1efa%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.koreaboo.com%2Fnews%2Fnasa-confirmed-three-bts-songs-will-making-way-moon-2024%2F

Samantala, tatlong taon matapos ang ang anunsyo, at dalawang taon bago ang muling paglipad ng NASA sa buwan, excited na ang BTS Army para sa literal na interstellar milestone ng BTS.

Umaasa rin ang ilang fans na magbabalik na muli bilang isang grupo ang BTS sa 2024.

Noong Hunyo nang ianunsyo ng grupo ang kanilang hiatus.