Natimbog ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis na nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng umano'y pagkakasangkot sa extortion activities.

Sa pahayag ni Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) chief Brig. Gen. Warren de Leon, inihahanda na nila ang kasong robbery extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) laban kina Staff Sgt. Mark Anthony Palma at Pat. Gerald Tucas.

“With the implementation of Oplan Bansay or Bantay sa Pagsasanay, our Training Internal Cleansing program, we were able to gather information on the alleged extortion activity perpetrated by these two active PNCOs who were supposed to be the role models of the trainees being their trainers and mentors while undergoing the Basic Internal Security Operations Course (BISOC),” ani De Leon.

Aniya, hinihingan umano nina Palma at Tucas ng pera ang mgaBISOC trainees sa BAR-Regional Special Training Unit (RSTU).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Humingi umano ang mga ito ng₱60,000 sa mga trainee upang hindi na sila pahirapanhabang sumasailalim sa BISOC.

Pumayag na rin umano ang BISOC battalion commander at class treasurer sa hinihingi ng kanilang trainers kaya inilabas ang salapi mula sa class fund.

Pinaghatian ito ng dalawang pulis sa loob ng nakaparadang kotse ni Palma sa isang shopping mall sa Cotabato City, nitong Agosto 17 na ikinaaresto ng mga ito.

Bukod sa kasong kriminal, iniimbestigahan na rin ng National Police Commission (Napolcom) ang dalawang pulis sa kasong gravemisconduct at two counts ng conduct unbecoming of a police officer.

PNA