Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng banta ng tsunami sa bansa kasunod ng pagtama ng 7.7-magnitude sa Papua New Guinea nitong Linggo ng umaga.
Sa abiso ng Phivolcs, walang inaasahang pagtama ng tsunami sa Pilipinas sa kabila ng pinsalang idinulot ng pagyanig sa nasabing bansa.
"Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 1000 km of the earthquake epicenter along the coast of Papua New Guinea and Indonesia," ayon sa ahensya.
"This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake," paglilinaw ng Phivolcs.
Nauna nang naiulat na napinsala ang ilang gusali sa Madang na malapit lang tabing-dagat matapos maramdaman ang pagyanig dakong 7:46 ng umaga.