Problemado ngayon ang 50 pamilya matapos matupok ang kanilang bahay sa sunog sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

Bago mag-7:00 ng gabi nang sumiklab ang bahay ni Arnold Lisondra, isang tricycle driver, sa Dimasalang Street, Brgy. 113.

Sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay City, naiwan umano ni Lisondra ang electric fan na nakasaksak na pinagmulan umano ng sunog.

Namamasada si Lisondra nang maganap ang insidente na umabot sa ikalawang alarma.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Naapula ang sunog dakong 8:15 ng gabi.

Nasa 30 na bahay ang naabo sa insidente. Gayunman, inaalam pa ng mga BFP ang halaga ng naabong ari-arian.