Matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 ang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong nakaraang buwan, si Senator Imee Marcos naman ngayon ang nahawaan ng virus.

Sa pagbubukas ng kanilang plenary session sa 19th Congress nitong Lunes, kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagkakahawa ni Marcos sa Covid-19.

Gayunman, sinabi ni Zubiri na dadalo pa rin si Marcos sa sesyon virtually dahil nakararanas pa rin ito ng lagnat.

Ito ang unang pagkakataon na nahawaan ng virus ang senador.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang tinamaan din ng sakit ang kapatid ng senador na na si Marcos noong Hulyo 8 at matapos ang ang isang linggong self-isolation ay nakarekober din ito.