Kaagad na tinugunan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang hiling ng isang alkalde sa Abra kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na mabigyan ng bagong ambulansya ang kanilang lugar.

Nauna rito, sa pagbisita ng pangulo sa Abra noong Huwebes ay umapela si La Paz, Abra Mayor Joseph "JB" Bernos na tulungan sila na mapalakas ang disaster response measures ng mga local government units.

Humiling rin ang alkalde na mabigyan sila ng mga karagdagang firetrucks at mga ambulansya para sa lalawigan.

Aminado naman ang pangulo na may isyu sa bilang ng mga firetrucks at ambulansya sa Abra.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak rin niya na agad tutugunan ang hiling ni Bernos.

"All your comments are well noted and of course, sige we will look into it. The problem of firetruck and ambulance is worse here in Abra than in other provinces, medyo naiwanan kayo,” anang pangulo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/abra-mayor-kay-pbbm-kami-naman-po-ang-maniningil-ngayon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/28/abra-mayor-kay-pbbm-kami-naman-po-ang-maniningil-ngayon/

Matapos lamang naman ang isang araw, nagdeliber agad si PCSO General Manager Melquiades Robles ng ambulansya sa bayan ng Danglas sa Abra, at iniabot ang susi nito kay Danglas Mayor Esther Bernos sa isang simpleng seremonya sa covered court ng lungsod.

Ang naturang turnover ceremony at sinaksihan naman nina Mayor JB Bernos ng La Paz, Abra Rep. Ching Bernos, at mga health workers ng Danglas, na nagpahayag ng kasiyahan sa delivery ng naturang well-equipped na ambulansya na magiging malaking tulong sa pagliligtas ng buhay sa panahon ng emergency.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Robles kina Mayor Esther at Mayor JB na ang PCSO ay committed sa pagpapatupad ng mga direktiba ng pangulo sa kanyang State of the Nation Address, na gawing simple at pabilisin ang proseso ng pagkakaloob ng tulong sa publiko.