Bumaba ng limang porsyento angbilang ng naitalang kaso ng rabies sa bansa sa unang anim na buwan ng 2022, kumpara noong 2021.

Sa National Rabies Data ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022, ay umaabot sa 157 rabies cases ang naitala sa Pilipinas.

Mas mababa ito ng 5% kumpara sa mga naiulat na kaso sa kahalintulad na panahon noong 2021, na umabot sa 165 kaso.

Pagdidiin ng ahensya, pinakamaraming naitalang kaso ng rabies sa Region III (Central Luzon) na nasa 25 (16%); Region 4A (CALABARZON) na nasa 21 (13%); Region VI (Central Visayas) na nasa 17 (11%) at sa Region 11 (Davao Region) na nasa 16 (10%).

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Karamihan sa mga kaso o 119 (76%) ay hindi bakunado ng rabies immunoglobulin (RIG) at/o rabies vaccine.

“Category III is the highest exposure history among reported rabies cases comprising 112 (71%) cases. Category III is defined as single or multiple transdermal bites or scratches, licks on broken skin, contamination of mucous membrane with saliva, and suspect contacts with bats,” anang DOH.

Karamihan o nasa 131 (83%) ng mga kaso ay nakagat ng aso.

Ang 77 o 49% naman ng 157 biting animals ng mga reported cases ay pawang domesticated at sa naturang bilang, 53 (69%) ang hindi bakunado laban sa rabies, ayon pa sa DOH.