Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado, Hunyo 15, na lumikha sila ng security group upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ni Vice President-elect Sara Duterte at ng kaniyang pamilya. 

Sinabi ng AFP Chief of Staff na si Gen. Andres Centino na ang unang assignment ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ay protektahan ang anak na babae ni outgoing President Rodrigo Duterte matapos itong maluklok bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas noong Hunyo 19 sa Davao City.

Pinangunahan ng AFP chief ang pag-activate ng VPSPG sa isang seremonya sa Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Biyernes, Hunyo 24.

Ang VPSPG ay dating isang security detachment na inatasan upang protektahan ang bise presidente ng bansa at ito lamang ang naka-attach na unit sa Presidential Security Group (PSG).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, pangungunahan ito ni Lt. Col. Rene Giroy bilang first group commander. 

“I am confident that the newly-designated acting VPSPG Commander and the rest of the Officers and Enlisted Personnel entrusted to ensure the safety, security, and welfare of the Vice President and her family shall perform their responsibilities to the best of their abilities,” ani Centino.