Tila kinilig ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa witty greeting sa kaniya ng jowang si Julia Barretto noong Father's Day.

"Happy PAWther's Day!" bati ni Julia kay Gerald sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories. Makikita ang isang malaking aso na kasa-kasama nila.

Ibinahagi naman ni Gerald sa kaniyang IG story ang litrato at nilagyan ito ng caption na "Hahaha" with matching heart emoji.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Gerald Anderson

Marami na ang nagtatanong sa magjowa kung kailan na ba nila balak lumagay sa tahimik, lalo't kamakailan lamang ay kinakiligan ang mga litrato nila nang dumalo sila sa isang kasal. Kantiyaw naman ng mga netizen, kailan naman daw maririnig ang batingaw ng wedding bells para sa kanila?

Matatandaang sinabi ni Julia sa isang panayam na kung sakaling ayain na siyang pakasalan ni Gerald ay tatanggapin niya ito, at handa niyang talikuran pansamantala ang showbiz para maging mabuting misis at ina sa kanilang mga magiging anak.