Isa pang miyembro umano ng isang kriminal na grupo ang inaresto ng pulisya sa Taguig noong Hunyo 2.

Kinilala ang suspek na si Giovanni Perillo, 28, na itinuro ng pulisya bilang miyembro ng Utto criminal group na responsable sa robbery-holdups at paglaganap ng iligal na droga sa Taguig.

Si Perillo ay inaresto ng Taguig police sa kahabaan ng A. Bonifacio Street sa Barangay Central Bicutan.

Bago ang pagkakaaresto sa suspek, nakatanggap ang Taguig police ng tip mula sa kanilang barangay information network tungkol sa presensya ni Perillo sa lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa joint operation, nakita ng mga awtoridad ang suspek na armado ng kalibre .38 na baril na kargado ng dalawang live ammunition.

Narekober din sa kanya ang isang cartridge ng 40 mm explosive.

Larawan mula Taguig Police

Inaresto siya ng mga pulis matapos mabigong ipakita ang mga dokumento para sa baril at pampasabog kabilang ang gun ban exemption mula sa Commission on Elections.

Mahaharap si Perillo sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 para sa illegal possession of firearm and ammunition at Republic Act 9516 para sa illegal possession of explosive at Omnibus Election Code.

Noong Mayo 23, inaresto ng pulisya ang suspek na si Arnold Varias, 38, na itinuturong miyembro ng Utto criminal group.

Jonathan Hicap