Inalala ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang itinuro sa kaniya ng pumanaw na “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces kung ano ang dapat gawin sa tuwing masama ang loob.

"The entire industry is grieving and you will be missed, Tita Susan. You have taught me so much in a short time that we worked together," ani Bea sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Mayo 21.

Inalala rin ni Bea ang itinuro sa kaniya ng batikang aktres.

"Naaalala ko pa nung sinabi mong kapag masama ang loob ko, isulat ko lang sa papel lahat ng galit ko, at sa isa pang papel, isulat ko naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko, at bago pa man akong matapos magsulat, mawawala na ang galit ko," sey niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin po ito. Thank you so much for your wisdom, humility and generosity. You are loved, our queen. Rest in peace." 

Pumanaw si Susan Roces nitong Biyernes, Mayo 20 sa edad na 80-anyos.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/20/showbiz-icon-susan-roces-pumanaw-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/20/showbiz-icon-susan-roces-pumanaw-na/

Samantala, nag-iwan ng madamdaming mensahe si Senador Grace Poe sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends,” pahayag ng senadora.

“We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure."

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/21/grace-poe-may-mensahe-sa-pagpanaw-ng-kanyang-adoptive-mother-a-true-filipina-and-a-national-treasure/