Sumakabilang-buhay na ang make-up artist at stylist ng mga celebrity na si Fanny Serrano sa edad na 72, batay sa social media post ng mga kaibigan niyang fashion designers ngayong Mayo 11.

"PAALAM TITA FANNY SERRANO SALAMAT SA MGA PANGARAL MO AT MGA SALITA NI LORD JESUS NAI SHARE MO SA AMIN. YOU WILL BE MISS BY YOUR DESIGNERS CIRCLE PHILIPPINES FAMILY!! LOVE YOU TF YOU ARE A FRIEND, A MENTOR, A BROTHER TO ME. MARAMING SALAMAT!!" saad sa Facebook post ng Pinoy fashion designer na si Dave Ocampo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gayundin ang Facebook post ng swimwear designer na si Domz Ramos.

"I love you Tita Fanny REST IN PEACE. Thank you for trusting me to be your stylist when I was starting in the industry. YOU WILL BE FOREVER IN MY HEART!!!!," aniya.

Matatandaang noong Marso 21, emosyunal na ibinahagi ng kaibigan niyang si Megastar Sharon Cuneta ang pagkakaroon ng massive stroke ni Fanny, na Felix Mariano Fausto Jr. sa totoong buhay.

Noong Setyembre 2016 siya unang inatake ng stroke subalit milagro umanong gumaling siya, ayon sa kaniyang salaysay.