Walo ang naiulat na binawian ng buhay matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa isang residential sa isang residential sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa nasawi ang isang senior citizen at isang menor de edad habang ang anim na iba pa ay natagpuan sa isa sa kuwarto ng mga nasunog na bahay.

Dakong 5:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Village A, Barangay UP Campus.

Idineklarang under control ang sunog na dakong 6:35 ng umaga.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Aabot sa 250 pamilya ang naapektuhan ng insidente at tinatayang aabot naman sa P150,000 halaga ng ari-arian ang naabo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

Aaron Dioquino