Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na ideya lamang umano ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang tungkol sa nabanggit nitong magwithdraw na si Vice President Leni Robredo.

Sa isang ambush interview kay Lacson at kay Senate President Vicente Sotto III, itinanong sa kanya kung kay Domagoso lamang ba ang ideyang "magwithdraw" si Robredo sa kandidatura nito.

"Sinabi naman niya 'yun, siya lang," maikiling pahayag ni Lacson.

Matatandaang pinagwi-withdraw ni Domagoso si Robredo dahil hindi raw epektibo ang ginagawa nito laban kay Marcos Jr.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“Kung meron mang supreme sacrifice. ‘Yung number 2, should do and start initiating the supreme sacrifice. Let Leni withdraw. Withdraw Leni. If you love your country,” aniya.

“Kasi sila ang laban lang naman nila, laban lang kay Marcos. ‘Diba sinabi naman niya yan na kaya siya tumakbo gusto lang niya labanan si Marcos,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/