Aarangkada na sa Lunes, Abril 11 ang libreng sakay ng LTFRB sa pamamagitan ng service contracting sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion, tinatayang 13,000 hanggang 14,000 public utility vehicles sa buong bansa ang kasama sa programa kabilang ang mga jeep, bus at UV express.

Sa mahigit 1,000 ruta, una munang lalarga ang libreng sakay sa Edsa bus Carousel at isusunod ang mula North Luzon Express terminal patungong Metro Manila.

Sinabi ni Cassion na inaasikaso pa ng ilang operators ang requirements para sa service contracting gaya ng orientation o caucus service plan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dito ay maaaring matanggal sa problema ang mga tsuper at operators na mabibigong makatalima rito.

Sinasabing lingguhan matatanggap ng mga drivers at operators ang bayad ng LTFRB na nagkakahalaga ng P84 kada kilometro sa bus, P40 hanggang P52 kada kilometro sa jeep.

Tatakbo ang libreng sakay ng 45 hanggang 60 araw.