Nagkaloob ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa Commonwealth-Litex sa Quezon City upang tulungan ang mga stranded na pasahero sa dahil sa kakulangan ng pampasaherong bus sa lugar nitong Biyernes, Abril 8.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na ang ahensya ay magdedeploy ng anim na bus at dalawang military trucks upang maserbisyuhan ang mga stranded na pasahero sa bawat umaga magmula alas-5:00 ng madaling araw hanggang 8:00 ng umaga. 

Isasakay sa mga bus ang mga pasahero at ihahatid ang mga ito hanggang sa Welcome Rotonda.

"We received reports that passengers are waiting for buses along the road itself. We will deploy our Libreng Sakay buses as long as it is needed to help the public on their daily commute," ani Artes.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Habang pansamantala ang libreng sakay, inihayag din ni Artes na pag-uusapan ng MMDA, concerned agencies at mga awtoridad ang pagbibigay ng pangmatagalang solusyon upang maibsan ang hirap ng mga pasahero.

"We are looking for a long-term solution and will coordinate with city bus operators and Land Transportation Franchising and Regulatory Board and Department of Transportation for a long-term solution to increase the number of PUBs in Commonwealth Avenue," dugtong nito.

Binigyang-diin ni Artes na ang kakulangan ng public utility buses (PUBs) ay dapat tugunan bago dumating ang Hunyo dahil sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes.

Inilahad naman ni Mercy Sta. Maria, pangulo ng United Mega Manila Bus Consortium, na nangangako siyang tutulong sa MMDA at magbigay ng karagdagang deployment ng mga bus.

Samantala, umapela si Artes sa mga pasahero na magpatupad ng kanilang kaayusan at disiplina para hindi maantala ang daloy ng trapiko.

"By providing them additional public transportation, we can keep them off the road to lessen impact on traffic and keep them safe, as well," sabi ni Artes.