Mukhang tapos na ang panahon ng pagtimtimpi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kaya’t pinatulan na nito ang ilan sa mga basher sa kanyang pinakahuling Tiktok video.

Napa-throwback si Miss Universe Top 20 semifinalist sa kanyang swimsuit pasarela ngayong kasunod ng pag-arangkada ng MUP 2022 Runway Challenge.

Suot ang two-piece bikini, hot in red ang former titleholder sa kanyang pagrampa by the pool.

“Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?” mababasa sa caption ng beauty queen.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi naman tinatantan si Rabiya ng kanyang bashers at ilan sa mga ito ay tahasang nagkomento ng negatibo sa kanyang video.

Tila tapos na si Rabiya sa pagtitimpi sa kanyang bashers kaya’t binanatan nito ang ilan sa kanilang komento.

“Top 21.”

“’Wag na bhe. Umacting ka na lang.”

“Wag na talo ka naman e.”

“Naku Rabiya, medyo ‘di ko bet [ang] rampa mo.”

“No. You had your turn. You flopped already.

“Talunan.”

Isa-isa itong pinalagan ni Rabiya.

Screengrab mula Tiktok

Screengrab mula Tiktok

Screengrab mula Tiktok

Screengrab mula Tiktok

Screengrab mula Tiktok

Samantala, masaya ngayon ang puso ng beauty-queen-turned-actress kasunod ng pagsasapubliko ng kanilang relasyon ni Kapuso hunk Jeric Gonzales.