LUCENA, Quezon -- Sinabi ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Lunes, Marso 21, na hindi dapat basta-basta tinatanggap ang katiwalian kahit mahirap itong pigilan. 

Ginawa ni Domagoso ang komento kasunod ng pahayag ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. na hindi mapipigilan ang katiwalian, na nagsasabing ito ay isang "kondisyon ng tao."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ewan ko sa kanya. Syempre ano naman niya yon, yun idea niya, damdamin niya," ani Domagoso sa isang panayam.

“At the end of the day, while the world is not perfect. Talaga namang hindi perpekto ang mundo, ang tao, ang gobyerno, but at least wag man lang natin tanggapin na para bang wala na tayong magagawa," dagdag pa niya.

Bagama't hindi niya partikular na binanggit ang P203B estate tax ng mga tagapagmana ni Marcos, paulit-ulit na sinasabi ni DOmagoso na bayaran ni Marcos ang bilyun-bilyong pisong buwis na utang na kanyang pamilya sa gobyerno.

“Ako naman ang payo ko lang, kung tayo ay maglilingkod, kung ako sa kanya, siya na manguna na i-surrender nalang nila yung marapat sa bansa para magamit natin itong ayuda," aniya pa.

“Malaking bagay ito kapag ikinusang loob niya na ‘yung pagbibigay nung bagay sa gobyerno at tao. Nakalagay naman don sa order eh, final and executory," dagdag pa ni Domagoso.