Saglit na nag-trending sa Twitter si senatorial aspirant at dating DPWH Secretary Mark Villar dahil sa kanyang umano'y tweet nitong Sabado, Marso 19, 2022.

"Walang solid north pero may solid Marikeños!" ani Villar sa isang tweet na may kalakip na screenshot ng campaign rally ng UniTeam sa Marikina City nitong Sabado.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Dahil dito, sinabi ng ilang mga netizens na tila kinukumpirma raw ni Villar na wala talagang solid north.

Samantala, kinumpirma ng kampo ni Mark Villar na wala siyang Twitter account.

Tumatakbo si Villar sa ilalim ng UniTeam senatorial slate.