Sumuko sa 18th Infantry Battalion ng Philippine Army ang umano'y miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan, ayon sa militar nitong Linggo, Marso 20.

(Courtesy of Western Mindanao Command/MANILA BULLETIN)

Kinilala ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Western Mindanao command (WestMinCom), ang sumukong ASG na si Mujib Hassan Muranding, na umano'y miyembro ng terrorist group sa ilalim ng sub-leader na si Nurhassan Jamiri.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Sinabi ni Rosario na sumuko si Muranding matapos boluntaryong sumuko sa awtoridad si Jamiri kasama ang kanyang mga 13 tagasunod noong Marso 2018.

Ang grupo ni Jamiri ay kilala sa pagkidnap sa mga lokal sa Basilan at sa mga kalapit na probinsya. Isa sa kanilang nabiktima ay ang Zamboanga native nurse na si Preciosa Feliciano na dinukot ng grupo sa bahay nito noong 2008.

Nag-lie low ang 27-anyos na mandirigma nang sumuko ang kanyang dating pinuno at mga kasamahan nito apat na taon na ang nakalilipas.

Sinabi niya sa militar na gusto niyang sumama sa yapak ng kanyang mga kasama ngunit natakot siya na mapahamak siya sa puwersa ng estado, kaya't inabot siya ng apat na taon bago siya tuluyang sumuko.

“We welcome all those who wish to lay down their arms and return to the folds of the law. We assure you that we will give our full support to their reintegration into mainstream society,” ani Rosario habang tiniyak niya kay Muranding na ibibigay ng militar ang lahat ng kinakailangang tulong sa kanya.