Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Marso 17 na hindi mula sa ahensya ang kumakalat na infographic na ito patungkol sa number coding scheme schedule sa kada lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.

PHOTO FROM MMDA/FB

Ang naturang infographic ay nailathala bago pa nagpandemya.

Metro

Live-in partners sa Maynila, hinikayat na lumahok sa libreng kasalan sa Hunyo

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga motorista na umiiral pa rin ang number coding scheme na ipjnatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada mula alas-5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holidays.

Kamakailan, sinabi rin ni MMDA Chairman Romando Artes na hindi pa panahon para palawigin ang number coding scheme dahil sa manageable pa ang daloy ng mga sasakyan sa ngayon.