Ipamamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ngayong Marso ang fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar na nakipag-usap na sila sa Department of Budget and Management (DBM) upang makuha ang pondo at mailatag ang guidelines para sa pamamahagi nito.
Ayon kay Dar, aabot sa P500 milyon ang ipamamahagi nilang fuel subsidy.
Sa ngayon aniya ay pinaplantsa pa kung magkano ang ibibigay sa bawat benepisyaryo.
Kamakailan, nangako rin ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bibigyan din nila ng tig-P6,500 ang mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan sa bansa na naapektuhan ng pandemya at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.