Nagbitiw na sa puwesto siDepartment of Justice (DOJ) Undersecretary Emmeline Aglipay Villar.
Epektibo sa Marso 21 ang pagbaba sa puwesto ni Villar.
Si Villar ay umakto rin bilang tagapagsalita ng DOJ at namumuno sa Inter Agency Council Against Human Trafficking (IACAT) at DOJ-Gender and Special Protections Group bukod pa sa pangunguna sa legal staff ng tanggapan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ang pagbaba sa puwestoniVillar ayinanunsyoni Guevarra kasabay ng pahayag na angtatayongofficer in charge sa nilisang puwesto ay si Chief State Council GeorgeOrtaII.
Ayon kay Guevarra, nagbitiw si Villar upang sumoporta sa kandidatura ng asawang si dating DPWH Secretary Mark Villar para sa pagka-senador.
"It iswith deep sadness that I announce the resignation of Atty. Emmeline Aglipay Villar as undersecretary of the Department of Justice (DOJ) effective on 21 March 2022.
Nilinaw ni SOJ na bukod kay Villar, ay wala nang sinumang opisyal ng DOJ ang nagbitiw omagbibitiwsa puwesto.