Nanawagan nitong Sabado ang Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee o MRRD-NECC, sa mga botante na lumipat na at ang iboto sa halalan ay si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno.

Ang MRRD-NECC ay isang malaking volunteer group na tumulong upang manalo si President Duterte noong 2016 presidential elections.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ginawa ng grupo ang panawagan matapos na pormal na ibigay ng grupo ang suporta kayMoreno para sa nalalapit na pampanguluhang halalan sa Mayo 9, sa pamamagitan nangpagpiprisinta ngmanifesto of support mula sa mga opisyal at miyembrona present din sapress conference na ginawa sa Intramuros, sa pangunguna ni MRRD-NECC president at dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

Sa naturang pormal na turnover ng nasabing manifesto, nagbigay rin si Castriciones ng tatlong dahilan kung bakit pinili nilang tulungan at i-endorso si Moreno.

Kabilang dito ang nakikita nilang sinseridad ni Moreno sa pagtulong sa mga mahihirap dahil nagmula din aniya siya sa mahirap na sektor.

“Ikaw ang may tunay na pagmamahal sa mahihirap at totoong nakakakilala sa hirap ng tao,” sabi ni Castriciones.

Tinukoy rin niya ang commitment ng alkalde na tulungan ang mga magsasaka at ang kagustuhan nito na ituloy ang mga pangunahing programa na sinimulan ng administrasyong Duterte.

Aniya pa, nakita rin ng MRRD-NECC na ang lahat ng ginawa ni Moreno sa kabisera ng bansa ay maaari niya ring gawin sa buong bansa.

Samantala, sa kanyang panig, pinasalamatan naman ni Moreno ang MRRD-NECC sa kanilang suporta at sinabing kailangan niya ang lahat ng tulong na makukuha niya.

“…and today, I think ang pinaka-malaking suporta na nakuha ko ay manggagaling sa MRRD. Eh kasi, nakapagpanalo na kayo ng Presidente, baka makadalawa… may awa ang Diyos,” pahayag pa ng alkalde.

“Sa tulong ninyo, sana matulungan nyo kaming abutin at dumiretso kayo sa taumbayan, sa mamamayan na maipabatid ang mga mensahe natin at mga pangarap natin sa ating mga kababayan.As I have committed, pagkakapantay-pantay, sa Mindanao, Visayas, Luzon-- mahirap, middle class, mayaman.. lahat pantay-pantay sa pananaw ng inyong lingkod in terms of policies, programs and services,” sabi pa ni Moreno.

“Since tayo ay ‘bagong kasal,’ ang susunod ay humayo kayo at magparami," ayon pa sa alkalde.

Sinabi naman ni Castriciones na inaasahan nila na ang mga grupong naunang nagbigay ng suporta sa presidential bid niSenator Bong Go ay lilipat na rin kay Moreno matapos na ang MRRD-NECC ay pormal na nagbigay ng suporta sa alkalde.

“In the different regions and provinces and mostly, if not all, leaders came from MRRD-NECC. Pag nakita nilang ang hierarchy inendorso si Mayor Isko, siguradong magbabalikan ang mga ‘yan. Modesty aside, bawat sulok ng Pilipinas ay may miyembro tayo ng MRRD-NECC,” sabi ni Castriciones.“We see in him the qualities of a good President and it is the consensus that we will support him.”

Mary Ann Santiago